-- Advertisements --

Binigyan diin ni Local Water Utilities Administration (LWUA) Administrator Jeci Lapus ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang kagawaran na tututok sa mga problema sa tubig sa bansa.

Sa pagdinig ng House Oversight Committee Public Works and Natural Resources hinggil sa water shortage crisis sa Metro Manila, sinabi ni Lapus na kailangan na magkaroon na ng integrated Department of Water.

Ayon kay Lapus, mahirap ngayon ang pagresolba sa mga problema sa tubig dahil nasa 32 magkakaibang ahensya ang mayroong ang gobyerno.

Samantala, sinabi ni Lapus inaabot din ng ilang taon bago makompleto ang water desalination process.

Magugunitang hindi naaprubahan sa 17th Congress ang House Bill No. 8068 ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo, na naglalayong bumuo ng Department of Water.

Pero para kay Quezon City Rep. Winston Castelo, ang mungkahing bumuo ng Department of Water ay “alibi” lamang sa incompetence ng mga regulatory bodies.