-- Advertisements --

Maaari umanong kasuhan ang mga opisyal ng bansa kapag napatunayang tinanggap ng mga nito ang pagmamatigas ng China sa ruling ng Arbitral Tribunal sa West Philippine Sea.

Ito ang tugon ni dating Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario matapos palagan ni Chinese Pres. Xi Jinping ang desisyon at manindigan sa paniniwalang pag-aari ng Beijing ang mga teritoryo sa nasabing bahagi ng karagatan.

Ani Del Rosario, betrayal of public trust na maituturing kung hahayaan lang ng estado ang pagmamatigas ng China.

“For the Philippines to have been asked to agree that it will not bring up the issue again is to effectively accept without equivocation that China is above the rule of law,” ani Del Rosario.

“This would be so wrong. It would be a betrayal of the trust we have placed in our governance.”

“The arbitral tribunal outcome is now an integral part of international law. This should have been the setting between the two presidents in Beijing.”

Lumabas din kasi sa mga ulat na nakiusap si Pres. Xi kay Duterte na huwag ng banggitin sa mga susunod nilang pulong ang pagkakapanalo ng Pilipinas.

Pero para sa dating kalihim, dapat tapatan ng pamahalaan ang paninindigan sa arbitral ruling dahil malaki rin ang papel nito sa international law.

Taong 2016 nang ibasura ng Permanent Court of Arbitration ang umano’y “nine-dash” claims ng China sa bahagi ng South China Sea.