Binalaan ni House Deputy Speaker Loren Legarda ang pamahalaan hinggil sa planong ilagay ang buong bansa sa ilalim ng Alert Level Zero.
Ayon kay Legarda, dapat pag-aralan ng husto ng pamahalaan ang gagawing pagluluwag gayong maari pa ring magkaroon ng hawaan o pagkalat ng coronavirus 2019 lalo na kung tatanggalin ang paggamit ng face masl.
Kamakailan lang ay inanunsyo ni Health Secretary Francisco Duque III na pinag-uusapan sa IATF ang panibagong guidelines kung isasailalim na sa Alert Level Zero ang buong bansa.
Pero para kay Legarda, hindi napapanahon ang ganitong hakbang lalo na kung tatanggalin ang paggamit ng face mask gayong nasa ilang milyong Pilipino pa ang hindi nababakunahan kontra COVID-19 habang marami rin ang wala pang booster shots.
Kasabay nito ay pinapaalalahan niya ang publiko na sumunod pa rin sa minimum health protocols para makaiwas sa COVID-19.