-- Advertisements --

Pinaplano ng pamunuan ng North Luzon Expressway (NLEX) na tanggalin ang toll barriers sa Nobiyembre para matugunan ang traffic congestion sa naturang expressway.ayon sa MMDA.

Tinitignan din ang mandatory radio frequency identification (RFID) stickers sa mga sasakyan na ginagamit para sa electroniv payment ng fees sa tollways.

Noong nakalipas na buwan, sinabi ni Metro Pacific Tollways Corp president Rogelio Singson na ganap na ipatupad ang RFID systems kabilang ang paggamit ng single RFID system sa lahat ng tollways at unti-unting pagtanggal ng lhat ng roadside equipment gaya ng barriers at toll booths.

Ang naturang mga plano ay parte ng layunin ng kompaniya tungo sa fully digitalize toll operators na maaaring abutin ng 2 taon.

Hinimok naman ng dating kalihim ng DPWH na hingin sa MMDA na imandato sa mga motorista ang paggamit ng RFID stickers at pagpataw ng muta sa mga lalabag.