Ikinagalak ni Sen. Risa Hontiveros ang naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalin ang oil exploration moratorium sa West Philippine Sea (WPS).
Sa isang pahayag, sinabi ng mambabatas na kumpyansa ito sa ginawang hkabng ng pangulo ngunit dapat lamang magsimula ang joint oil exploration ng bansa kasama ang China kung sisimulan ng huli na kilalanin ang soberanya ng Pilipinas sa Exclusive Economic Zone (EEZ).
Aniya, hangga’t hindi raw kinikilala ng Tsina ang tagumpay ng Pilipinas sa The Hague ruling ay hindi magiging produktibo ang gagawing negosasyon para sa joint exploration.
Sa ngayon ay dapat umanong patuloy na igiit na ang Pilipinas lamang ang maaaring magsagawa ng exploration sa EEZ.
Dagdag pa ng senador, kailangang sundin ang requirements na nakasaad sa Constitution at maging ang sovereign ownership sa mga resources na matatagpuan sa West Philippine Sea.
Batid naman daw ng lahat na mayaman sa oil at gas reserve ang naturang disputed area kung kaya’t pilit itong inaagaw ng China.
Una nang sinabi ng Malacañang na bukas ito sa joint exploration kasama ang Beijing, nase sa November 18 memorandum of understanding (MoU) sa pagitan ng dalawang bansa para sa mga gagawing negosasyon ukol sa joint oil at gas exploration.
Umapela naman si Hontivers na dapat panatilihin ng gobyerno ang posisyon nito sa WPS lalo na at matinding nangangailangan ngayon ang bansa ng pondo at resources upang makabangon mula sa COVID-19 pandemic.