-- Advertisements --

Nilinaw ng Department of Migrant Workers (DMW) ang report hinggil sa pagtanggal ng mandatoryong quarantine requirement para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) at iba pang inbound travelers mula sa ibang mga bansa na nagtutungo sa Hong Kong.

Paliwanag ng ahensiya na ang source o pinagmulan ng naturang report ay hindi sa DMW kundi sa mismong Hong Kong International Airport (HKIA).

Sa inilabas na advisory, sinabi ng HKIA na ang pagpresenta ng negatibong necleic acid testing resport bago sumakay sa HK airport ay hindi na iminamandato simula noong Setyembre 26.

Dagdag pa dito, ang test and hold protocol para sa mga inbound travelers kabilang na ang mga overseas Filipino workers at mga turista mula sa Pilipinas at iba pang mga bansa ay hindi na required.

Hindi na rin required pa ang inbound individuals na mag-antay para sa test results sa mga paliparan matapos na sumailalim sa specimen collection para sa nucleic acid test.

Sa halip, maaari na silang sumakay sa pampublikong transportasyon o self-arranged transport pauwi sa kanilang mga bahay o kanilang napiling hotel.