-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Pinagpaliwanag ng Meritime Industry Authority (MARINA 10) ang kompanyang Cokaliong Shipping Company kung bakit hindi sila mananagot sa muntikang pagkalunod ng kanilang barko na MV Filipinas CDO na karga ang 448 na pasahero mula Port of Cagayan de Oro patawid sa syudad ng Cebu kagabi.

Ito ang resulta sa mabilisan na pagpapatawag ng city government ng syudad sa pamamagitan ni committee on trade and commerce chairman Kagawad George Goking na itinalaga na focal person sa pangyayari sa kaugnay sa aberya ng barko sa karagatang sakop ng Laguindingan,Misamis Oriental.

Sinabi ni Goking na batay sa mga pagpapaliwanag ng mga kumakatawan ng MARINA,Philippine Coast Guard at ilang opisyal ng barko na ang epekto ng Hanging Amihan ang dahilan kung bakit nakaranas ng suliranin ang matulin sana na biyahe nito papuntang Cebu City.

Ito ang dahilan na isinailalim ng MARINA sa masusi na ebalwasyon ang sitwasyon ng barko kung pahintulutan na itong makapag-biyaheng muli.

Nag-utos rin ang PCG sa Meritime Safety Services Command na mag-imbestiga kung nasunod ba ang travel safety procedures at protocols ng kompanya.

Una nang lumutang na nagkaroon ng butas ang bahagi ng barko kay tumagilid at nagdulot nang pagka-taranta ng ilang mga pasahero partikular sa mga nakasakay na mga pasahero.

Bagamat naisagawa na ang pag-refund ng kompanya sa mahigit-kumulang 300 pasahero nitong syudad kaninang umaga.