-- Advertisements --
May kaakibat na kapalit kapag tuluyan ng pagbawalan na mag-operate sa bansa ng mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Sinabi ni Senate Committee on Finance chairman Senator Francis “Chiz” Escudero na maaring magtaas ng buwis ang gobyerno para mapunan ang nawalang buwis na ibinibigay ng mga POGO operators.
Bukod pa dito ay ang pagkawala ng trabaho ng mga mamamayan dahil sa nasabing pagtigil ng POGO.
Magugunitang sinabi ng Philippine Gaming Corporation na noong 2022 ay tumaas ang kanilang collection kung saan mayroong P55.05 bilyon ang nakulekta sa mga gaming operations.
Una rito ay isinusulong ng ilang mambabatas ang pagpapasara ng mga POGO dahil sa pagkakasangkot nila ng iba’t-ibang krimen sa bansa.









