Pagtaas sa sahod ng mga guro, hindi ipinangako ni VP at DepEd Sec. Sara Duterte-Carpio
KALIBO, Aklan — Sa kabila na hindi ipinangako, subalit inihayag Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte-Carpio na ipapaabot sa tanggapan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang panawagan na pataasan ang sahod ng mga guro at non-teaching staff.
Giit nito na pag-iisipan nila ang iba pang mga benepisyo na maaring ibigay sa mga guro.
Pinangunahan ni Duterte-Carpio ang pagbibigay ng parangal sa Ten Outstanding Mentors (ATOM) ngayong taon.
Tumanggap ang mga recipient ng cash prize na P10,000 at plaque of recognitions sa Augusto B. Legaspi Sports and Cultural Center sa Capitol, Kalibo, Aklan.
Samantala, umani naman ng palakpakan ang sinabi ng Kalihim na gumagawa ng paraan ng DepEd na mapababa ang rate ng contribution ng mga guro sa Government Service Insurance System GSIS.
Maliban dito, nakikipag-uganayan umano sila sa Department of Health upang malibre ang check-up ng mga teachers at non-teaching staff.
Prayoridad rin ng tanggapan ang pag-ayos sa learning gaps ng mga mag-aaral gayundin ang pagpapatayo ng dagdag na mga classroom at schools infrastructure.










