-- Advertisements --

Nag-alok ang Iran ng $30,000 na pabuya sa sinumang makakahuli o makakapatay ng isang sundalong Amerikano.

Ayon sa Iran’s state news agency, sinabi ni Army Chief Amir Hatami na inilunsad ang programa matapos makatanggap ang militar ng maraming kahilingan mula sa mga Iranian na nais sumali.

Mas mataas naman ang pabuya para sa mga babaeng makakagawa ng programa. Ayon kay Hatami, doble sa $30,000 ang matatanggap ng mga babaeng makakahuli o makakapatay ng sundalong Amerikano.

“Anyone who kills or captures and hands over an invading American military personnel will receive a reward equivalent to $30,000 or 5 billion tomans from the Islamic Republic of Iran’s Army,” ani Hatami.

“Courageous Iranian women who carry out such an action will receive double the reward,” dagdag niya.

Hindi naman nagbigay si Hatami ng detalye kung saan o kailan maaaring isagawa ang pagpatay o paghuli sa mga sundalong Amerikano.

Wala ring kumpirmadong deployment ng US ground forces sa Iran sa kasalukuyang digmaan. Kabilang sa mga naiulat na operasyon ang rescue mission noong Abril para sa isang Amerikanong piloto na napabagsak ang kaniyang eroplano.

Muling nanawagan si Hatami sa Estados Unidos na umalis sa Middle East at iginiit na wala na umanong pahintulot ang US na pumasok sa Persian Gulf, Gulf of Oman at Strait of Hormuz.