Ang tumaas na presyo ng food and non-alcoholic beverages ang itinuturo ngayon ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa mabilis na inflation noong buwan ng Hunyo na umabot sa 6.1 percent mula sa dating 4.9 percent noong buwan ng Mayo.
Kung maalala, kahapon nang iulat ng PSA na ang annual headline inflation ay bumulis pa sa 6.1 percent noong June 2022.
Ito na ang pinakamataas na inflation mula noong October 2018.
Sinabi ni Undersecretary Dennis Mapa, National Statistician and Civil Registrar General, na ang mabilis na pagmahal ng mga bilihin at mga serbisyo ay dahil na rin sa mabilis na pagtaas ng presyo ng karne at iba pang bahagi ng tinatawag na slaughtered animals gaya ng manok na may 8.1 percent at bigas na 2 percent.
Ang mga prutas partikular ang mangga at at nuts ay nasa 1.1 percent.
Ang second commodity group na nakapagtala ng mas mataas na inflation noong June ay ang transport na mayroong 17.1 percent share sa pagbilis ng overall inflation.
Ang gasolina ay nakapagtala ng 53.9 percent noong June mula sa dating 47.2 percent noong Mayo habang ang diesel ay 92.5 percent mula sa dating 86.2 percent.
Samantala, ang alcoholic beverages at tobacco product ay bumilis din sa 7.8 percent dahil ang sigarilyo ay nakapag-contribute ng 8.9 percent, ang beer ay 6.2 percent at ang spirits at liquors ay 5.2 percent.
Para naman sa National Capital Region (NCR) ang inflation ay bumilis sa 5.6 percent noong June mula sa datiing 4.7 percent noong buwan ng Mayo.