Patuloy na pinag-aaralan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagtaas ng premium rate hike ng Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH) itoy kahit hindi siya nagpahayag ng pagtutol.
Ayon kay Pang. Marcos nais nilang matukoy kung kailangan talaga na taasan ang kontribusyon ng 4 hanggang 5 porsiyento ang kontribusyon.
PInalawak pa ng Philhealth pa ang kanilang serbisyo ng sa gayon maramdaman ito ng maga kababayan natin lalo na ang mga mahihirap na miyembro.
Sa ngayon kasi nagsisitaasan na ang bayad sa ilang mga serbisyo partikular ang mga nagda dialysis.
Giit ng Presidente kung maaring i justify na kailangan talaga taasan ang premium rate hike ng state insurer ay gagawin ito pero kung walang nakikitang pangagailangan ay hindi nito aprubahan ang increase.
Siniguro naman ng Pangulo na sa mga darating na araw ay makakapag desisyon na ito hinggil sa nasabing panukala.