Tinawag na “alarming phenomenon” ni House Committee on Women And Gender Equality chairman Malou Acosta-Alba ang pagtaas ng kaso ng teenage pregnancy sa bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sa Ugnayan sa Batasan press briefing, sinabi ni Acosta na kailangan palakasin pa ang community-based education at isama rin sa curriculum ng mga estudyante ang usapin patungkol sa sex.
Bukod dito, kailangan din aniya na magkaroon ng pagbabago sa mindset ng mga magulang upang maging sila ay mapaalalahanan din ang kabataan upang maiwasan ang “risky behaviors” ng mga ito.
Sa ngayon kasi ay taboo pa rin kung maituturing ang pag-uusap sa pagitan ng mga magulang at anak hinggil sa sex, ayon kay Alba.
Subalit kailangan ang tulong ng lahat upang sa gayon ay maipaintindi sa mga kabataan ang patungkol sa healthy at responsible sexuality.
Base sa datos ng Commission on Population and Development, natukoy na noong 2020 pumalo sa 70,755 ang menor de edad na nagkapamilya.
Inaasahan nilang tataas pa ang bilang na ito sa 133,265 sa katapusan naman ng taong 2021.