-- Advertisements --
Iniulat ng Department of Health (DOH) na unti-unting tumaas ang kaso ng Covid-19 sa Metro Manila.
Ngunit, nilinaw ng kagawaran na hindi pa ito nakakaalarma.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang capital region ay nag-post ng 1.6 percent na pagtaas sa positivity rate.
Labing-apat sa 17 na lugar naman sa bansa ang may positive growth rate.
Iniuugnay ni Vergeire na ang pagtaas ng mga bagong kaso ng COVID-19 ay dahil sa pagkakaroon ng mas maraming transmissible omicron subvariants at ang pababa ng immunity” ng populasyon.
Nakapagtala ang Pilipinas ng 287 bagong kaso noong Biyernes, 121 dito ay nagmula sa Metro Manila.