Inaasahan ng World Health Organization (WHO) ang pandaigdigang pagtaas ng mga bagong kaso ng COVID-19.
Ito ay dahil sa mas malamig na panahon na nag-uudyok ng higit pang mga indoor activities sa ilalim ng pagpapatupad ng mga relaxed health measures.
Sinabi ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus na ang ilang mga bansa sa Europe ang nag-uulat na ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 na humantong din sa mas maraming pagka-ospital at pagkamatay.
Sinabi ni Ghebreyesus na ang Omicron ay nasa likod pa rin ng karamihan ng mga impeksyon, ngunit sinusubaybayan pa rin ng mga siyentipiko ang higit sa 300 mga subvariant.
Gayunpaman, nahaharap sila sa mga hamon dahil sa pandaigdigang pagbaba ng surveillance,testing , at sequencing outputs.
Hinikayat din ng infectious disease specialist na si Dr. Rontgene Solante, isang miyembro ng Philippine vaccine panel, ang publiko na kumuha ng karagdagang dosis ng COVID-19 vaccine dahil karamihan sa mga pasyente sa mga ospital ay walang mga booster shot.
Idinagdag pa ni Solante na ang mga nakatanggap ng bakuna nang hindi bababa sa anim na buwan na ang nakalipas ay dapat na maging mas mapagbantay at magsuot ng face mask kahit sa labas dahil sa humihina ang kanilang kaligtasan sa sakit.