-- Advertisements --
DOH

Pinawi ng Department of Health (DoH) ang pangamba ng marami hinggil sa dumaraming kaso ng influenza nitong mga nakalipas na araw.

Ayon kay Health Undersecretary Eric Tayag, normal lamang ito kapag pumapasok ang pagbabago ng panahon patungo sa mas malamig na temperatura.

Ang magandang balita nga aniya ay pababa na ang mga kaso ng influenza sa ating bansa.

Ibig sabihin ay nag-peak na ito sa mga nakalipas na araw.

Mabilis umano itong humupa dahil tumataas na rin ang bilang ng mga nagpapabakuna kontra sa flu.

Hinimok ni Tayag ang publiko na magpaturok na ng flu vaccine lalo na at libre naman ito sa health centers.

Sa ilang lungsod nga ay nagbabahay-bahay pa ang mga health workers para magturok ng bakuna.