-- Advertisements --
Naramdaman na ng ilang pagamutan sa Metro Manila ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Sinabi ni Dr. Jonas del Rosario ang tagapagsalita ng Philippine General Hospital (PGH) na nagpatupad na sila ng mahigpit na protocols sa kanilang pagamutan.
Dinagdagan na rin nila ang suplay ng kanilang oxygen at mga gamit.
Umabot naman sa 43 sa kabuuang 150 na COVID-19 beds ang okopado na sa San Lazaro Hospital.
Nagbukas naman ng bagong intensive care unit para sa COVID-19 cases ang Philippine Heart Center.