Dumipensa ang Malacañang sa pagtaas ng bilang ng mga Pilipinong walang trabaho.
Iginiit ng Malacañang na “seasona” ang pangyayaring ito dahil kamakailan lamang nagtapos sa pag-aaral ang mga estudyante.
“We attribute this uptick as ‘seasonal’ since data gathering was conducted when students just recently graduated from their universities or colleges and started looking for employment,” saad ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa isang statement.
Batay sa resulta ng survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS), tumaas ang joblessness rate ng bansa nitong Hunyo 2019 ng one percentage point sa 20.7 percent mula sa 19.7 percent na naitala noong Marso.
Sa ginta ng magkakaibang reaksyon hinggil dito, tinukoy ni Panelo na ang resulta ng survey na 55 percent pa rin ng mga Pilpino ang naniniwala sa ngayon na dadami ang trabahong maaring pasukan sa bansa.
“SWS considers this net optimism on job availability excellent and at a record-high,” dagdag pa nito.