BACOLOD CITY – Pinapa-alerto ng Provincial Disaster Management Program Division ang mga local government units na malapit sa paanan ng Bulkang Kanlaon sa Negros Island.
Kasunod ito ng pagtaas sa status nito sa Alert Level 1.
Sa panayam ng Bombo Radyo Bacolod kay PDMPD head Dr. Zephard Gerhart Caelian, inihayag nito na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometer radius permanent danger zone dahil sa posibilidad ng biglaan at delikadong steam-driven o phreatic explosions.
Ayon kay Caelian, ire-review din nila ang contigency plan sa Mt. Kanlaon sa susunod na buwan.
Siniguro naman nito na “24/7” silang magbabantay sa bulkan.
Samantala, kinumpirma ni Ben Tanatan, Science Research Specialist sa Canlaon observatory, na mayroong sila nakitang swelling o pamamaga sa bulkan kaya itinaas nila ang status nito.
Nabatid na nakapagtala sila ng apat na mga volcanic quakes sa Mt. Kanlaon kahapon.