-- Advertisements --
image 336

Posibleng abutin ng dalawa hanggang tatlong buwan ang itatagal ng gagawing pagsusuri ng Energy Regulatory Commission sa isinumiteng aplikasyon ng 48 distribution utilities sa Luzon para sa power cost adjustments.

Ayon kay ERC CEO and chairperson Monalisa Dimalanta, ito ay sa kadahilanang dadaan pa raw sa kaukulang hearing at mabusising pag-aaral ang naturang mga aplikasyon kung saan iimbitahan din aniya nila ang mga electricity consumers dito bago nila ito ipatupad.

Aniya, dito ay tutukuyin ng ERC kung ang cost adjustment ay ipapatupad sa susunod na billing period at kung gaano katagal ang collection period para sa karagdagang power cost.

Nilinaw ni Dimalanta na ang pagsasaayos ng gastos ay maaari ding kasama ang mga refund para sa mga mamimili at hindi lamang additional power costs.

Ngunit kung malaki aniya ang magiging halaga ng additional power cost ay maaaring ipatupad ito ng sa iba’t-ibang billing period habang magiging “one time, big time naman ang refund nito.

Ayon kay Dimalanta, ang mga aplikasyon sa cost adjustment ay sumasaklaw sa mga singil na natamo mula 2020 hanggang 2022.