Muling pag-uusapan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases-Technical Working Group (IATF-TWG) ang patakaran hinggil sa pagsusuot ng face mask ng mga sakay ng pampribadong sasakyan.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary Goddess Hope Libiran, ang naturang requirement ay inaprubahan na ng IATF-EID noon pang nakaraang taon at saklaw nito ang lahat ng pampribadong sasakyan.

Subalit aniya kailangan pang talakayin ito ng IATF ngayong araw dahil hindi pa nagpapatupad ng anumang parusa sa mga lalabag sa naturang patakaran.

Dagdag pa ni Libiran na kailangang maplantsa ang enforcement details sa oras na mapagkasunduan na ito upang kaagad maipatupad ang mga exemptions.

Una nang inanunsyo ng Land Transportation Office (LTO) na kailangang magsuot ng face masks sa mga pampribadong sasakyan base na rin sa rekomendasyon ng Department of Health (DOH).

-- Advertisement --