Inirekomenda na umano ng Inter-Agency Task Force of Emerging Infectious Diseases (IATF) na boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng face masks sa mga open spaces ito ay sa kabila na umiiral pa rin ang COVID-19 pandemic.
Ito ang kinumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa press briefing habang habang nasa Singapore kung saan nasa kanyang state visit ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay kalihim, ang rekomendasyon ng IATF ay maging optional na lamang ang pagsusuot sa face mask sa mga open spaces o kaya sa hindi matataong lugar at maganda ang ventilation.
Paliwanag pa ni Sec. Cruz-Angeles ang pag-aalis sa mask mandate ay kasama na ang buong bansa.
Isinagawa naman ng IATF ang pagpupulong upang magbigay ng rekomendasyon sa Office of the President kasunod ng kontrobersiyal na executive order ng Cebu City government na maging optional na lamang sa open spaces ang pagsusuot ng face mask.