-- Advertisements --

Inirerekomenda ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ang pagsusuot ng face mask sa mga naturukan na ng mga COVID-19 vaccine.

Ayon sa CDC, nararapat lamang magsuot ang mga ito ng face mask sa mga indoor public places na mayroong pagtaas na kaso ng Delta variant.

Kasama rin nilang inirekomenda na magsuot ng face mask ang mga mag-aaral at guro sa kindergarten hanggang grad 12 kahit na anumang estado ng kanilang bakuna.

Ang nasabing hakbang ay pagbabago na ipinatupad ng CDC ng pagtanggal na ng face mask noong Mayo.
Tumaas kasi ang kaso ng hawaan ng Delta variant.

Lumabas sa kanilang data na mayroong 63% sa US ang may mataas na transmission rates kaya binigyan nilang kahalagahan ang pagsusuot ng face mask.