May pagkakataon pang humabol ang mga interesadong magsumite ng kanilang bids para sa online voting at counting systems (OVCS) na gagamitin para sa May 2025 elections ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Ito ay matapos na maresched o mailipat mula sa araw ng Huwebes o Pebrero 8 hanggang 20 ang submission, pagtanggap at pagbubukas ng bidding.
Magbibigay naman ng sapat na panahon ang rescheduling ng bidding para makapaghanda pa ang posibleng bidders dahil sa dami ng mga requirements ng proyekto.
Isa nga sa mga bidder ay ang SMS Global Technologies na bumili ng bid documents para sa online voting para sa overseas voting sa 2025 midterm elections.
Aabot naman sa P465.8 million ang aprubadong pondo para sa online voting and counting systems.
Sa mga nais na magsumite ng kanilang bidsm, magtungo lamang sa opisina ng Special Bids and Awards Committee sa Intramuros, Maynila. Gaganapin dina ng pagbubukas ng bids sa Palacio del Gobernador.