-- Advertisements --
image 47

Papaikliin na lamang ang mga pagsusulit para sa mga aplikante ng driver’s license.

Ito ang pokus ng babalangkasing guideline ng binuong komite ng Land Transportation Office (LTO).

Parte ang hakbang na ito ayon kay LTO chief JayArt Tugade ng action plan ng ahensiya laban sa mga fixer.

Paliwanag kasi ng opisyal na ang mahabang procedure sa pagkuha ng driver’s license ang isa sa mga dahilan kung bakit ilang mga aplikante ang mas pinipiling makipagkasundo sa mga fixer.

Aniya, kadalasang umaabot ang pagsusulit sa isa hanggang dalawang oras kayat pinag-aaralan na ngayon ng ahensiya kung paano papaikliin ang naturang pagsusulit.

Ilan aniya sa pinag-aaralan para mapaikli ang pagsusulit ay para sa mga aplikante ng bagong non-professional license, bagong conductor’s license, pagbabago ng classification mula sa non-professional sa professional at pagdaragdag ng driver’s license code.

Dagdag din dito, pinag-aralan ng komite ang pag-customized sa mga katanungan depende sa license classification o driver’s license code na inaaplayan ng isang aplikante.