Nilinaw ng Philippine Medical Association (PMA) na malaking ang maitutulong ng face shields upang mapigilan ang hawaan ng Covid-19.
Sinabi ni PMA president Dr. Benito Atienza na malaki ang maitutulong sa proteksyon laban sa COVID-19 ang pagsusuot ng face masks, face shields, maghugas ng kamay at sumunod pa rin sa physical distancing.
Ginawa ni Atienza ang nasabing komento matapos hinimok ni Manila Mayor Isko Moreno ang pamahalaan na tanggalin na ang pagsusuot ng face shields sa labas ng mga bahay sa gitna ng naranasang pandemic.
Tanging ang Pilipinas lang daw sa buong mundo ang nagre-require sa paggamit ng face shield kapag lumabas.
Nauna nang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na hindi pa ngayon ang tamang panahon na tanggalin na ang polisiya may kaugnayan sa pagsusuot ng face shield sa pampublikong lugar lalo pa’t kaunti pa lang ang nabakunahan kontra COVID-19.