Walang katotohanan ang kumalat na balitang magkakaruon ng delay sa sahod at retirement benefits ng mga government employees gayundin ng mga guro at uniformed personnel.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na ang P24 billion pesos na pondo ay hindi ibinawas o kinansela kundi inilipat lamang sa ahensiya para mas direktang maipamahagi sa mga kawani.
Pagbibigay diin ni Castro, buong- buo aniya ang sahod at salary increase na aniyay nasa kani- kanyang ahensiya na.
Kaya sabi ni Castro, walang delay, walang bawas at walang mawawala.
kung magkakaruon man ng pagka- antala sa sahod, sinabi ni Castro na ang maaapektuhan dito ay ang mga bagong papasok na empleyado.
Panawagan ng Malakanyang, huwag magpalinlang at ang ikalat ay ang katotohanan.










