-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN – All set na.

Ito ang inihayag ng Bise Presidente ng Karate Pilipinas Sports Federation Incorporation na si Dr. Alejandro Enrico Vasquez ang tungkol sa kanilang ginagawang paghahanda sa nalalapit na Karate Pilipinas Sports Federation 2023 Luzon Karate Games na gaganapin sa Lingayen.

Aniya mariin nilang pinagtutuunan ng pansin ngayon ang pagsasagawa ng dry run pagdating sa mga teknikal na bagay dahil digitalized ang paraan ngayon ng pagmomonitor ng scores ng mga manlalaro upang maiwasan aniya ang pagkakaroon ng technical problems.

Inanyayahan naman ni Dr. Vasquez ang mga Pangasinense na makilahok sa panonood upang makapagbigay ang mga ito ng moral support sa mga atletang Dagupenyo at magsilbi itong motibasyon.

Dagdag pa nito na hangga’t maaari ay inilalapit nila ang laro sa standard ng international competition.

Ang koponang manggagaling sa lalawigan ng Pangasinan ay pangungunahan ng itinanghal na Gold Medalist sa larangan ng Karate sa bansang Thailand na si John Enrico Vasquez.

Siya ang magsisilbing Team Captain habang ang mga tutulong naman sa pagsasanay ang iba pang estudyante ni Dr. Vasquez kabilang na si Jude Michael Uson.

Bukod pa sa gaganaping kumpetisyon, intensyon din aniyang ipakilala ng naturang bise presidente ng pederasyon ang probinsya ng Pangasinan.

Magsisimula ang naturang kumpetisyon sa bandang alas nuebe ng umaga, araw ng Sabado, Enero 21.