-- Advertisements --

NAGA CITY – Ikinalungkot ng mga tagasuporta ni Vice President Leni Robredo sa Naga City ang pagkakasibak nito bilang co-chaairperson ng Inter-agency Committee on Anti-illegal Drugs (ICAD).

Tinatayang nasa ikatlong linggo pa lamang ang bise presidente mula nang italaga ito bilang ICAD co-chair ngunit kahapon nang ianunsyo ng Malacanang ang pagbawi sa hinahawakang posisyon.

Isa sa umano’y dahilan ng pagsibak ng Pangulo kay Bise Presidente Robredo dahil sa kakulangan nito ng programa para sa ICAD.

Una na ring sinabi ni Senator Kiko Pangilinan na hindi magiging matagumpay ang laban ng bise presidente kung hindi ito susuportahan at tutulungan ng ilang opisyal.

Nanawagan din ito sa Malakanyang na kung hindi kayang suportahan an opisyal, itigil na lamang ang mga pang-iinsulto kay Robredo.