Pinalawig pa ng isang buwan o hanggang Abril 30 ang pansamantalang pagsasara ng Mt. Apo Natural Park sa Davao del Sur.
Kaugnay nito, nananatiling suspendido ang lahat ng trekking at camping activities sa naturang pasyalan.
Inisyal na itinakda ang pagsasara ng naturang tourist spot mula Marso 20 hanggang Marso 30 subalit nagpasya ang Protected Area Management Board ng Mt. Apo Natural Park na palawigin pa ito dahil sa nagpapatuloy na epekto ng El Niño phenomenon na humantong sa prolonged dry spell at mataas na banta ng wildfires na naglagay sa ecosystem at kaligtasan ng mga namamasyal sa lugar sa panganb.
Ang pagpapasya naman kung papalawigin pa o ipagpapatuloy na ang mga aktibidad sa parke ay nakadepende sa magiging assessment at rekomendasyon ng MANP-Protected Area Management Office ng Region 11 at 12.