-- Advertisements --

Ipinapanukala ni PBA chairman Ricky Vargas ang pagsasama nina Jordan Clarkson at Justin Brownlee na maglalaro ng Gilas Pilipinas para sa FIBA World Cup.

Ayon kay Vargas na maaring mangyari ito kung saan maituturing na naturalized player si Clarkson habang si Brownlee ay maglalaro bilang local.

Sinabi pa ni Vargas na matagal ng naglalaro sa bansa si Brownlee kung saan mula pa noong 2016 ay naging import na ito ng GinKings.

Sakaling hindi payagan ito ng FIBA ay maaring iapela ito ng Samahang Basketball ng Pilipinas.

Kapag napayagang magsama ang dalawa ay magiging malakas ang Pilipinas sa pagharap nila laban sa Italy, Dominican Republic at Angola sa Group A ng World Cup.