-- Advertisements --
Isang magandang balita para sa mga mahilig sa sabong.
Ito ay matapos payagan na rin ng Inter Agency Task Force (IATF) ang larong sabong sa mga lugar na nasa modified enhanced community quarantine (MECQ).
Pero sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na bawal ang pag-broadcast at online dito maging ang panood sa mismong lugar ng pagsasabungan.
Aniya, tanging ang mga tagahawak lamang ng manok ang papayagan sa loob ng sabungan.
Kasabay nito, pinayagan na rin ng IATF ang pagsasagawa ng beach volleyball, pero ito ay sa pamamagitan ng “bubble” concept.