-- Advertisements --


Inihihirit ni Bicol Saro Partylist Representative Brian Raymund Yamsuan ang agarang pag apruba sa Blue Economy Bill.

Sa nasabing panukalang batas magkakaroon ng integrated plan at para ma-develop ang likas na yaman ng Pilipinas sa marine at coastal resources ang ilipinas, habang bumubuo ng sustainable economic opportunities para sa future generations ng bansa.

Ang panukalang Blue Economy Act, nagbibigay ng whole-of nation approach para makamit ang twin goals, tugunan ang climate chane at man-made activities na nagbabanta sa coastal at marine ecosystems ng bansa.

“The passage of this Act is among the key legislative priorities under the guidance of President Ferdinand R. Marcos Jr. The reason behind this focus is evident: as an archipelagic country, it is high time that the Philippines prioritize its marine resources and leverage them to cultivate a robust economy, while contributing meaningfully to global efforts in sustainability,” pahayag ni Yamsuan.

Ang panukalang Blue Economy Act, gaya ng nakabalangkas sa ilalim ng House Bill (HB) 8708 ay inihain ni Yamsuan kasama sina Camarines Sur Representatives LRay Villafuerte, Miguel Luis Villafuerte, at Tsuyoshi Anthony Horibata.

Sa isinagawang Technical Working Group meeting, pinag-consolidate ang limang panukalang batas na iisa ang layunin na makapag establish ng Blue Economy policy framework.

Ang nasabing panukala ay inihain nina:Representatives Francisco Benitez ng Negros Occidental’s 3rd District, Gus Tambunting ng Paranaque’s 2nd District, Antonio Legarda Jr. ng Antique’s Lone District, Ferdinand Alexander Marcos ng Ilocos Norte’s 1st District, at Wilbert Lee of AGRI Partylist.

Sa ilalim ng unnumbered substitute bill na pinagsasama-sama ang anim na Blue Economy measures, ang National Coast Watch Council ay muling bubuuin bilang National Maritime Council.

Sinabi ni Yamsuan ang iminungkahing Blue Economy framework ay naglalayon din na pagyamanin ang siyentipikong pag-unawa sa marine at coastal ecosystem ng Pilipinas upang matiyak ang matalinong paggawa ng desisyon na makakaapekto sa mga dagat at baybayin nito, at mapahusay ang kakayahan ng bansa na tumugon at umangkop sa pagbabago ng maritime na kapaligiran.

Ang panukala ay nagbibigay ng paunang pondo na P100 milyon para sa Konseho na kukunin mula sa Office of the President’s Contingency Fund.

Ang kasunod na badyet ng Konseho ay isasama sa taunang General Appropriations Act (GAA), gaya ng itinatadhana sa ilalim ng substitute bill.