Isinusulong ni Senator Sherwin Gatchalian ang pagsasabatas ng isang legislation para sa pagkakaroon ng PH maritime zones at para sa pagpapatupad ng 2016 landmark arbitral victory na naipanalo ng bansa kontra China.
Ang arbitral ruling na ito ay nagbabasura sa claim ng China na 9 -dash line saklaw ang West PH Sea.
Ang hakbang na ito ni Senator Gatchalian ay kasunod ng pagdinig na isinagawa ng Senate Special Committee sa Philippine Maritime and Admiralty Zones na nagsasaad na papalakasin nito at tutulong sa pagpapatupad ng claim ng bansa sa WPS.
Binigyang diin pa ng Senador na pinakamainam na depensa at pinakamalakas na mensaheng maipaparating ng PH sa buong mundo ang paggawa ng legal na hakbang na ating iginigiit ang ating soberanya at sovereign rights.
Matatandaan na kamakailan inihain ni Senator Gatchalian ang Senate Bill No. 2394 o The Philippine Maritime Zones Act na layuning malinaw na matukoy ang maritime zones ng ating bansa at mapagkaisa ang domestic laws sa maritime territory alinsunod sa 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Sa ilalim ng panukala ni Sen. Gatchalian, ang maritime zones ng bansa ay binubuo ng internal waters, archipelagic waters, territorial sea, contiguous zone, exclusive economic zone at continental shelf na naayos sa international law.