-- Advertisements --
image 46

Nagsagawa ng inspeksyon sa NAIA Terminal 2 ang Department of Tourism (DOT) kasama ang Department of Transportation ngayong long weekend holiday.

Ito’y alinsunod na rin sa pagdiriwang ng Semana Santa 2023.

Sina Tourism Secretary Christina Garcia Frasco at Transportation Secretary Jaime Bautista ay nag-ikot sa NAIA-2 domestic arrival and departure areas.

Ang parehong departamento ay may layuning suriin ang mga pagpapahusay na ipinakilala sa naturang terminal ng paliparan na isa sa mga natukoy na pilot area para sa Department of Tourism at Department of Tourism airport enhancement convergence program.

Ang airport enhancement program ay ipinapatupad bilang bahagi ng pangunahing layunin ng Tourism department, partikular ang Enhancement of the Overall Tourist Experience na kinabibilangan ng streamlining ng mga paghihigpit sa pagpasok sa Pilipinas.

Kaugnay niyan, sa pagpapaliwanag sa pagpapatupad ng Department of Tourism (DOT) ng Filipino-themed enhancements sa interior ng NAIA Terminal 2 na isinagawa, layunin nitong mas maganda pa ang tourism experience ng mga manlalakbay.

Sa ngayon, nasa patuloy na proseso pa din ang mga opisyal kasama ang iba pang departamento sa pagpapahusay at pagpapaganda ng mga paliparan sa buong bansa.