Nilinaw ni Lanao del Sur Governor Alonto Adiong Jr. na hindi suicide bombing ang pagsabog na nangyari nitong Linggo ng umaga habang isinasagawa ang misa sa Mindanao state University sa Marawi city.
Aniya, lahat ng 4 na nasawi sa pagsabog ay natukoy na habang inaalam pa ang pakakakilanlan ng mga salarin sa likod ng karumal dumal na pagpapasabog.
Ayon pa sa Gobernador, nasa 35 mula sa 47 nasugatan na na-admit sa Amai Pakpak Medical Center matapos ang pagsabog ay nadischarge na din kahapon at pinayagan ng makauwi ang ilan sa mga ito sa kanilang bahay habang ang iba naman ay dinala sa MSU infirmary.
Nasa 2 pasyente naman sa Amai Pakpak ang nasa kritikal na kondisyon at kailangan ng isailalim sa surgery.
Sinabi din ng Gobernador na nagpasiya ang MSU officials na ipagpatuloy ang exams ngayong linggo matapos na mangako ang police at military officials na magpapadala ng dagdag na pwersa sa unibersidad.
Ayon pa sa Gobernador ang motibo sa krimen ay hindi pa natutukoy sa ngayon.