-- Advertisements --
image 134

“Nakakaduda ang pagka-sabog ng bridge na nagkokonekta sa Crimean Peninsula sa Russia.” Ito ang pahayag ni Bombo International News Correspondent Genevieve Dignadice sa naging panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan hinggil sa naturang usapin.

Binigyang-diin pa ni Dignadice na matagal nang pinangangalagaan ng Russian government ang naturang tulay kaya labis nilang ikinagulat ang pangyayari partikular na dahil naganap ito matapos ipagdiwang ni President Vladimir Putin ang kanyang kaarawan.

Saad pa ni Dignadice na ipinagtataka nila kung paano nakapasok ang truck na may dalang explosive dahil napakataas at mahigpit ang seguridad sa naturang tulay.

Dagdag pa ni Dignadice na napakalakas ng naturang pagsabog dahil naabot pa nito ang anchor na nagdadala ng mga logistics report patungo sa area ng Kharson.

Unang sinara ang tulay at kinansela ang mga byaheng dumadaan sa ruta nitong umaga subalit kaagad naman ito muling binuksan.

Binigyang-diin pa nito na agaran naman ang pagsasaayos ng Russian government sa nasabing tulay sapagkat kinakatakot nila ang maaaring mangyari kung sakaling masisira ang buong tulay na magkakaroon naman ng malaking epekto sa Crimean Valley.