-- Advertisements --
download 7

Aprubado na sa Lungsod ng Maynila ang isang ordinansa na nagbabawal sa mga pasahero ng jeep at iba pang pampublikong sasakyan na sumabit o sumakay sa labas ng mga ito.

Inaprubahan ng City Council ang City Ordinance 9003 o Bawal-sabit ordinance.

Una itong inihain sa naturang konseho noon lamang Nobiembre-9 at kaagad itong inaprubahan ng mga konsehal ng lungsod ng Maynila.

Sa kasalukuyan, lagda na lamang ni Manila Mayor Honey Lacuna ang hinihintay upoang tuluyan nang mailathala. Magiging epektibo naman ito labinlimang araw mula sa pagkakalathala.

Sa ilalim ng naturang panukala, ipagbabawal din ang paghawak ng mga nakabisikleta o gumagamit ng mga rollerblades sa mga jeep. Kadalasan kasi itong ginagawa ng mga siklista upang mapabilis ang kanilang biyahe.

Papatawan naman ng multa ang mga tsuper, conductor, at mga pasaherong mapapatunayang lalabag dito.

Kabilang na ang P500 sa unang paglabag, P1,500 sa ikalawang paglabag, at P3,000 sa ikatong paglabag. Sa ikatlong paglabag, posible ring maharap ang mga ito ng pansamantalang pagkakakulong ng hindi lalagpas ng isang buwan.