-- Advertisements --
Isa pa ring problema ngayon ng Bureau of Customs (BOC) ang pagpupuslit ng mga dolyar.
Isa sa pinakahuling operasyon ay ng masita nila ang isang misdeclared package na naglalaman ng 75 piraso na $100 habang ang isang package ay naglalaman ng 150 piraso na $20 bill, 20 pcs. na $50 at 20 pirasong $100.
Nakapangalan umano ang nasabing package sa isang alyas Jefferson mula sa USA at parehas din ang consignee na mula sa Poblacion, Muntinlupa City.
Nagbabala si Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Customs District Collector Carmelita M. Talusan, isang paglabag sa batas ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang pagpupuslit ng mga pera na galing sa ibang bansa.