Tuloy pa rin ang gagawing pagpupulong nina Russian President Vladimir Putin at North Korean leader Kim Jong Un sa kabila ng mga babalang binibitawan ng Estados Unidos sa N. Korea na huwag tutulong sa Russia partikular na sa pagsusuplay ng mga armas.
Ito ay kasunod ng pagdating ni North Korean leader Kim sa Russia sakay ng kaniyang private train kasama ang mga top arms industry, military officials, at foreign minister.
Ayon sa Kremlin, ito ay upang dumalo sa isang komprehensibong diskusyon nito kasama si Russian President Putin.
Ayion kay Kremlin spokesman Dmitry Peskov, ito ay magiging isang full-fledged visit kung saan inaasahang magkakaroon ng negosasyon sa pagitan ng dalawang delegasyon, at kung kinakailangan ay magpapatuloy din aniya ang komunikasyon ng dalawang pinuno.
Samantala, sa sidelines naman ng Eastern Economic Forum na dadaluhan ng dalawa inaasahang magkikita sina Putin at Kim.