-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Hinihikayat ng Department of Agriculture-Cordillera Administrative Region (DA-CAR) ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na magpuhunan sa agrikultura.

Nagsagawa ang Agribusiness Marketing Assistance Division (AMAD) ng DA-CAR ng Agribusiness Investment Forum sa lunsod ng Baguio.

Ayon kay Atty. Jennilyn Dawayan, DA-CAR Regional Technical Director for Research and Regulations, magsasagawa ang departmento ng mga agribusiness opportunities na makakatulong sa mga OFWs.

Bahagi ng forum ang free range chicken production, Tissue-Culture Strawberry Production and Lettuce, Chinese Cabbage, Cabbage Production at iba pa.

Tiniyak ni Dawayan na ipagpapatuloy ng DA ang pagtulong at pagsuporta sa mga OFWs para mapaunlad ang kanilang kabuhayan.