Sinimulan na ng Ukraine ang paglilitis sa mahigit 3,000 kasong kriminal laban sa umano’y crimes against children sa war-torn country kabilang ang dosenang kaso ng panonorture ayon sa Ukrainian prosecutors.
Ayon kay Yulia Usenko, head ng Department for the Protection of Children’s Interests and Combating Violence of the Office of the Prosecutor General of Ukraine, kabilang sa mga alegasyon laban sa Russia ay pagpatay, mutilations, pagdukot sa mga bata, pwersahang pagpapalayas, deportasyon, kahalayan laban sa mga bata at pagkidnap.
Kabilang dito ang 13 umano’y mga kaso ng sexul violence sa mga bata kung saan pinakabata dito ay apat na taong gulang na batang babae.
Saad pa ng opisyal na nasa 75 mga bata ang naidokumeno ng prosecutors na dumanas ng iba’t ibang uri ng torture o pagpapahirap sa kamay ng pwersa ng Russia.
Nasa 69 dito ay matatagpuan sa Yahidne village sa Chernihiv region na hilagang bahagi ng Ukraine kung saan ang mga bata ay ikinulong sa basement ng paaralan kasama ang mga adult na ang kondisyon ay katumbas ng tinorture.
Naitala din ang isolated cases ng panonorure sa mga bata sa southern kherson at northeastern Kharkiv region kung saan napagkaitan ng kanilang kalayaan ang mga bata at nakaranas ng physical torture.
Ayon sa mga Ruso, ikinulong umano nila ang mga ito dahil nagpapakalat sila ng impormasyon kaugnay sa galaw ng Russian military equipment at kanilang tropa.
Naisiwalat ang napaulat na umano’y panonorture sa mga bata matapos na mabawi ng pwersa ng Ukraine ang ilang teritoryo nito mula sa kamay ng Russian forces.