Naniniwala ang PNP Internal Affairs Service (IAS) na planado ang pagpatay kay dating Albuera Mayor Rolando Espinosa habang nakakulong ito sa Leyte Sub-Provincial Jail noong nakaraang taon.

Ayon kay PNP IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo na batay sa kanilang findings may nangyaring sabwatan para patayin ang alkalde.

Nabaril patay si Espinosa ng mga pulis habang isinisilbi ang warrant to search sa loob ng kaniyang selda.

Sa panayam kay Triambulo kaniyang sinabi na may conspiracy doon sa loob nung mga pumasok sa selda ng dating alkalde.

Giit pa ni Triambulo kung may sabwatan kanila itong kinukunsiderang treachery.

Una ng sinabi ni Triambulo na may desisyon na rin sila sa kaso nina Supt. Marvin Marcos at ng grupo nito.