Ipinagbawal ang pagpasok ng mga indibidwal sa 6-kilometer radius Permanent Danger Zone ng Bulkang Mayon.
Ayon kay NDRRMC spokesperson Rafaelito Bernardo Alejandro IV, maigting na minomonitor ngayon ang bulkan matapos na itinaas ito sa Alert level 2 ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) noong nakalipas na linggo.
Ipinagbabawal ang paglipad ng anumang sasakyang panghimpapawid sa may bulkan sa ilalim ng Alert level 2.
Pinaghanda na rin ang lokal na pamahalaan ng Albay para sa anumang preventive measures gaya ng forced evacuation sakaling mag-escalate ang aktibidad sa bulkan.
Ayon pa sa NDRRMC official na nakabantay sila sa posibleng pagtaas ng magma at pagtaas ng volcanic earthquakes na siyang mga indicators na mayroong major activity na mangyayari.
Magugunita, ayon sa Phivolcs na isa sa most destructive eruptions ng Bulkang Mayon ay nangyari noong Pebrero 1, 1814 kung saan nasa humigit-kumulang 1,200 katao ang namatay.