-- Advertisements --
CAUAYAN CITY – Mahigpit na babantayan sa mga boarder checkpoint sa lunsod ang mga delivery trucks habang nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) bubble.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay POSD chief Pilarito Malillin, sinabi nito na naghigpit na sila sa mga boarder checkpoints sa lungsod.
Kailangan na mayroong maipakitang kaukulang dokumento sa pagbiyahe, negatibong resulta ng RT-PCR test o COVID-19 vaccination card ang mga indibidwal na lulan ng mga delivery trucks.