Posibleng inggit ang dahilan ng pagpatay kay overseas Filipino worker (OFW) Marjorette Garcia.
Ito ang inihayag ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) base na rin sa imbestigasyon ng mga awtoridad ng Saudi Arabia.
Kinilala ang Kenyan national na katrabaho ni Garcia bilang suspek sa pamamaslang.
Si Garcia, 32, ay natagpuang patay na may mga saksak noong nakaraang buwan.
Dumating ang mga labi ng domestic worker sa Pilipinas noong Biyernes.
Binigyan siya ng isang hero’s welcome sa kanyang bayan sa San Jacinto, Pangasinan.
Nitong Sabado, binisita naman ni DMW officer-in-charge Hans Leo Cacdac at OWWA Administrator Arnell Ignacio ang burol ni Garcia at tiniyak sa kanyang pamilya na mahigpit na babantayan ng gobyerno ang kaso.
Nagpaabot din ang gobyerno ng tulong pinansyal na nagkakahalaga ng P220,000 sa pamilya ni Garcia at mga scholarship para sa kanyang dalawang anak.