-- Advertisements --
image 285

Posibleng simulan na sa susunod na linggo ang repatriation sa mga Pilipinong naiipit sa nagpapatuloy na labanan sa Sudan sa susunod na linggo.

Ayon kay DFA Undersecretary for Migrant Workers Affairs Eduardo De Vega, na nabigyan na sila ng authorization para sa repatriation ng mga Pilipino sa ilalim ng kaukulang kondisyon.

Subalit medyo matatagalan nga lamang ang repatriation ng mga Pilipino dahil apektado din ang mga paliparan sa gitna ng kaguluhan sa pagitan ng Sudanese Armed Forces at Paramilitary group na Rapid Support Forces (RSF).

Plano ngayon ng DFA na posibleng isagawa na lamang ang repatriation sa pamamagitan ng land evacuation at hindi na sa eroplano dahil hindi nga operational ang mga paliparan.

Sa ngayon, base sa record ng DFA, nasa 250 Pilipino ang inisyal na nasa Sudan subalit umakyat ito sa halos 500 dahil angiba sa mga ito ay hindi rehistrado.

Sinabi naman ng DFA official na mayroong honorary consulate ang Pilipinas asa Sudan na nakahanda para magbigay ng mga kailangang suplay ng mga Pilipino doon.

Una ng iniulat ng DFA na mayroong isang Pilipino ang nasugatan na nadaplisan ng ligaw na bala sa napapatuloy na labanan sa Sudan at ngayon ay nasa mabuti ng kalagayan.

Nanawagan na rin ang United Nations sa dalawang panig ng tatlong araw na tigil-putukan bilang pagbibigay daan sa pagtatapos ng Ramadan at mabigyan ng panahon ang mga sibilyan na makalikas mula sa mga lugar na sentro ng labanan na ikinasawi na ng nasa 350 katao.