-- Advertisements --

LAOAG CITY – Dagdag pahirap sa mga magsasaka sakling maipatupad na sa ngayon ang P20 ng kada kilong bigas.

Ito ang sinabi ni Mr. Jhon Rey Salud, ang presidente ng North Main Canal Irrigators Inc. sa panayam ng Bombo Radyo Laoag matapos lumabas sa mga report na mayroong posibilidad na aabot sa P120 milyon ang pwedeng maging lugi ng mga magsasaka sakaling maipatupad ang nasabing presyo.

Ayon kay Salud, ang isa sa mga dahilan ng pagkalugi ng mga magsasaka ay ang mataas na presyo ng abono at fertilizer.

Aniya, kung maikonsidera ang puhunan nila sa aning palay sa ngayon ay aabot sa mahit 13 na piso lamang, isang maliit na tubo sakaling maipatupad na ang P20 ang isang kilong bigas.

Samantala, sinabi ni Salud a sakaling ibigay ng gobierno ang mga kailangan ng mga magsasaka sa pagsasaka gaya ng modern agricultural inputs ay hindi masyadong makakaapekto ang P20/kilo ng bigas.

Una rito, ipinaalaam ni Salud na nagtitiwalang tutuparin ni Department of Agriculture Secretary at Pres. Ferdinand Marcos Jr. ang pangako nito sa sektor ng agrikultura.