-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Patuloy na pinag-aaralan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang planong ipagpatuloy ang operasyon ng Loakan Airport sa lungsod ng Baguio.
Ayon kay Milagros Rimando, Vice Chairperson ng Regional Development Council-Cordillera, mabibigyan ng prayoridad ang nasabing plano para mas darami pa ang turista sa Baguio City.
Inihayag ni Rimando ang kanyang kagalakan dahil pinayagan na ang muling pagpapatuloy sa operasyon ng Loakan Airport.
Maaalalang noong nakaraang taon ay isinagawa ang aeronautical survey at sustainability study para sa air services na nasabing paliparan.