Nanawagan si Defense Secretary Delfin Lorenzana na dapat ipagpatuloy ang pagtutulungan bilang isang bansa para isulong ang Bangsamoro Organic Law (BOL).

Ito ang mensahe ng kalihim sa pagdiriwang ng Eid al Fitr, ang pagtatapos ng buwan ng Ramadan ngayong araw.

Binati ni Lorenzana ang lahat ng Filipino Muslims sa okasyong ito.

Binigyang-diin nito na ipinagdiriwang ngayong araw na ito ang “social healing,” pagpapatawad at pagkakaisa.

Tiniyak ni Lorenza na ang One Defense Team ay tumutulong sa pagbabago ng dating pagkakawatak watak, tungo sa isang buhay na may pangmatagalang kapayapaan ay kaunlaran.

Ayon pa sa kalihim, ngayon ang pagkakataon na gawing mas maganda ang sitwasyon sa katimugan upang maipasa sa susunod na henerasyon ang isang asensadong Mindanao.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here